-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na aaprubahan ng Kamara ang nasa 20 legislative priority measures ng Marcos Jr. administration.

Ayon kay Romualdez kanilang sisiguraduhin na tatapusin ang mga tinukoy na panukala sa isinagawang pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para maaprubahan bago matapos ang taon.

“Rest assured that the House of the People will remain steadfast and committed to being partners of the Executive Branch to spur economic growth, alleviate poverty, augment healthcare services, and foster job creation for all Filipinos,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Sa 20 prayoridad na panukala, dalawa ang nasa Common Legislative Agenda (CLA)—ang panukalang amyenda sa Bank Deposits Secrecy Law at Anti Financial Accounts Scamming Act. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagpanukala na isama ang mga ito sa CLA.

Ang 18 pang prayoridad na panukala ay ang:

  • Amyenda sa BOT Law/PPP Bill
  • National Disease Prevention Management Authority
  • Internet Transactions Act/E-Commerce Law
  • Medical Reserves Corps
  • Virology Institute of the Philippines
  • Mandatory ROTC and NSTP
  • Revitalizing the Salt Industry
  • Valuation Reform
  • E-Government/E-Governance
  • Ease of Paying Taxes
  • National Government Rightsizing Program
  • Unified System of Separation, Retirement and Pension of MUPs
  • LGU Income Classification
  • Waste-to-Energy Bill
  • New Philippine Passport Act
  • Magna Carta of Filipino Seafarers
  • National Employment Action Plan, and
  • Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.

Sa 20 priority measures na nabanggit, 16 ang naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ng First Regular Session ng 19th Congress.

Habang ang apat na nalalabi ay ang National Rightsizing Program; Unified System of Separation, Retirement and Pension of MUPs; National Employment Action Plan at amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.

Matatandaan na 42 ang priority measures na tinukoy ng LEDAC para sa First Regular Session ng 19th Congress, sa bilang na ito 33 na ang natapos ng Kamara.

Kinilala naman ni Romualdez ang pagsusumikap ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan subalit hindi pa umano natatapos ang kanilang trabaho.