Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipinong mangingisda na sila ay po-protektahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa pambu-bully ng China Coast Guard o sakaling sila at ikulong.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang katiyakan sa paggunita ng National Fisherfolk Day kung saan inihayag ng Chinese foreign ministry spokesperson na walang dapat ikabahala ang Pilipinas hinggil sa plano ng Chinese government na ikulong ang mga “trespassers” sa loob ng 60 araw na walang trial.
Sinabi ni Speaker Romualdez na gagawin ni Pangulong Marcos ang lahat para protektahan ang mga mangingisda na naghahanap buhay sa loob ng exclusive economic zone kabilang ang Bajo de Masinloc na malapit sa Zambales at Pangasinan.
Inihayag din ni Speaker na dapat tigilan na rin ng China ang pagbabanta sa mga Pilipinong mangingisda.
Sinabi ni Romualdez na ang mga Pilipinong mangingisda ay hindi maituturing na tresspassers dahil nasa ilalim ito ng teritoryo ng Pilipinas.