-- Advertisements --
martin3

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na ipapasa ng Kamara ang mga priority legislative measures ng Marcos administration na may kaugnayan sa komersyo at industriya ng pagnenegosyo bago matapos ang taon.

Ito ang binigyang diin ng house leader sa pagharap nito sa pulong ng mga miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Pagsisiguro pa ng lider ng Kamara, kokunsultahin nila ang business sector sa bawat panukala na may kaugnayan dito kabilang ang mga sumusunod:

(1) The Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act
(2) Valuation Reform Bill
(3) Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act or PIFITA
(4) E-Government Act
(5) Internet Transaction Act or E-Commerce Law
(6) National Land Use Act
(7) Enactment of an Enabling Law for the Natural Gas Industry
(8) Amendments to the Electric Power Industry Reform Act;
(9) Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

Siniguro ni Romualdez, bilang mga stakeholders, sila ay konsultahin sa bawat measure na tatalakayin ng Kamara lalo na kung ito ay involved sa commerce and industry.

Giit ng House speaker dapat din maging malinaw ang kanilang posisyon sa mga isyu.

Sa unang state of the nation address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kabilang sa mga inilatag niyang priority measures ay may kinalaman sa pagbubuwis, at e-commerce.

Muli ring tiniyak ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa binalangkas na medium term fiscal framework o M-T-F-F ng administrasyon na magiging batayan ng financial plan ng bansa.

Bukod dito, ang kanila aniyang congressional initiatives ay iniaakma o ibinabatay sa economic recovery programs ng national government.

Binigyang-diin ni Romualdez na ito ang kauna-unahan na ang mga legislators ay fully committed sa medium-term fiscal plan na siyang magsisilbing angkla sa annual spending and financing plan ng national government at ang Medium-Term Fiscal Framework ay magsisilbing guided bilang paghahanda sa annual budget sa loob ng anim na taon.