-- Advertisements --

Nakikiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa milyon-milyong Pilipinong Muslim at sa buong komunidad ng Islam sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr-ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ngayong Lunes.

Siniguro ng lider ng Kamara ang suporta ng Kamara sa mga panukalang makakatulong sa mga Pilipinong Muslim at kinilala ang kanilang mahalagang ambag sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez ang Eid’l Fitr ay isang paalala ng pagkakaisa, malasakit at pagbibigayan—mga katangiang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino.

Umaasa rin ang kongresista na ang pagtatapos ng Ramadan ay magdudulot ng kapayapaan, kasaganaan, at biyaya mula sa Maykapal.

“May this Eid be filled with joy, love and togetherness. Let us celebrate this occasion with open hearts, remembering that our diversity is our strength, and that true progress is achieved when we stand together as one people,” pahayag ni Speaker Romualdez.