-- Advertisements --
Walang nakikitang mali si Speaker Martin Romualdez sa plano ng gobyerno na magkaroon ng mapayapang kasunduan sa National Democratic Front.
Sinabi nito na hindi dapat matakot ang gobyerno na bumalik sa negotiating table kasama ang mga communist leaders.
Naniniwala ito sa kakayahan ng sandatahang lakas ng bansa kaya hindi dapat matakot ang gobyerno na humarap sa mga lider ng komunista.
Iginiit nito na ang peace talks ay higit pa sa usapin ng pamumulitika.
Magugunitang una ng pinuna ni Vice President Sara Duterte ang balak na pagbabalik ng peace talks ng gobyerno sa mga communist leaders at sinabing tila pakikipagkasundo ito sa demonyo.