-- Advertisements --
Muling binuhay ni Speaker Lord Allan Velasco ang panawagan nito na magpagsa ng panibagong economic stimulus package na direktang magbibigay ng tulong sa mga mamamayan na naaapektuhan ng COVID-19.
Aabot na sa 224 congressman ang sumusuporta sa pagpasa ng House Bill 8628 o ang panukalang “Bayanihan to Arise As One Act”.
Pahayag pa ni Velasco na mahalaga ang nasabing stimulus package para mabigyan ng suporta ang mga mamamayan at mga negosyo sa bansa.
Nakalagay sa Bayanihan 3 package P420 billion na pondo para sa economic recovery mula sa krisis na dulot COVID-19.