Tumibay pa umano ang hawak ng bagong House Speaker Lord Allan Velasco sa tinaguriang supermajority.
Ito ay makaraang lumipat na rin sa kanya ang suporta ng tatlong power blocks mula kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Kinumpirma ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., presidente ng 47-member National Unity Party (NUP), nagkausap na sila ni Velasco at nangako sila na ibibigay ang suporta sa liderato nito hanggang sa pagtatapos ng termino hangang June 2022.
Si Barzaga, ang siya ring chairman ng committee on environment and natural resources.
Ang grupo naman ng Nacionalista Party na siyang partido ni Cayetano ay naghayag na rin ng suporta sa liderato ng bagong speaker.
Umaabot sa 44-na congressman ang miyembro ng NP ang nakipagpulong na rin kay Velasco kahapon.
Una nang nagpaabot din ng suporta ang Nationalist People’s Coalition (NPC), Party-list Coalition Foundation (PCFI) at ang Liberal Party (LP).
Gayundin naman ang suporta ng Lakas-CMD na may 37 members; ang NPC ay may 30; ang PDP-Laban ay nasa 57 ang kongresista; habang ang PCFI ay may 54 aat ang LP naman ay may 17 mga mambabatas.
Kahapon ay una nang inalis ni Velasco bilang deputy speaker si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na isa rin malapit na kaalyado ni Cayetano.