Pinaalalahanan ni Anak Kalusugan Representative-elect Mike Defensor ang mga kapwa niya kongresista na piliin ang speaker aspirant na may sapat nang experience at competence para sa pinakamataas na posisyon sa Kamara.
Binigyan diin ni Defensor na hindi isang on the job training (OJT) ang pagiging House Speaker.
Ayon kay Defensor, dapat na isusulong ng magiging susunod na lider ng Kamara ang mga legislative reforms ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“He should know what to do the very minute he sits as the country’s fourth highest official of the land” ani Defensor.
Para sa dating Chief of Staff noong Arroyo administration, wala raw ang mga katangian na ito kay Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Sinabi ni Defensor na posibleng gawing OJT lamang ni Velasco ang pagiging Speaker sa 18th Congress.
Sina Leyte Representative-elect Martin Romualdez at Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano lamang ayon kay Defensor ang angat para maging susunod na lider ng Kamara.
Kapwa may “leadership depth” daw kasi sina Romualdez at Cayetano bagay sa Speakership post.