Kasabay ng umuugong na issue ng vote buying sa Kamara kaugnay ng pwesto ng susunod na House Speaker, ibinunyag ng isang mambabatas ang lantaran umanong pagpopondo ng isang business tycoon sa kongresistang napipisil bilang bagong lider ng mababang kapulungan.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio, may mga ulat na nagsasabing tinutulungan ng negosyanteng si Ramon Ang ang isa sa mga top contender sa pagka-House Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
“Rep. Velasco has the backing of Ramon Ang, whose San Miguel Corporation business empire has strategic interests in power, transportation, infrastructure, agriculture, among others,†ani Tinio.
Nababahala ang mambabatas dahil posible umanong manaig ang interes ni Ang, na siyang presidente ng San Miguel Corporations, sakaling totoo ang impormasyon at maluklok si Velasco bilang leader ng Lower House.
Nauna nang kinumpirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na may tig-P1 milyong pondo na nakalaan para sa mga kongresista na iboboto si Velasco. Pero sa kabila nito, tumanggi ang kongresista na magbigay ng pangalan hinggil sa akusasyon.
This is possible. Most likely may ganyang nangyayari. In the past yung mga naririnig namin na ganyan hindi kalaki yung amounts na involved. Ngayon yung bago, dito talagang usapin na ng P500,000 to P1-million. However hindi dapat manatili lang sa level ng allegations kailangan harapin talaga ng seryoso at kailangang may managot kung kinakailangan.