-- Advertisements --

Kapuna-puna na tumindi ang interes ng mga publiko at online political analysts sa paghahabol ng ilang bagong halal na kongresista sa pinakamataas na posisyon sa Kamara.

Marami sa mga naging komento at opinyon ay nagsabi na maaaring naplantsa na ang isyu sa House speakership kung sumunod na lang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa naging kasunduan nila ni Taguig Rep. Allan Peter Cayetano.

Matatandaan na sumang-ayon na si Cayetano sa ‘term-sharing’ kay Velasco ngunit kumambiyo ang mambabatas mula sa Marinduque at sinabi pa na dapat isa lang ang mamuno sa Kamara.

Sa nakalipas na cabinet meeting sa Malakanyang, napa-ulat na nabanggit pa ni Pangulong Duterte na dapat ay tanggapin na ni Velasco ang ‘term sharing offer’ kung hindi ay maaaring hindi pa nito makuha ang speakership position.

Kung ‘di lamang matigas ang ulo ni Velasco at sa pagsuway niya sa panukala ni Pangulong Duterte ay ‘di na sana nagkakainitan ang mga kongresista sa karera para maging House speaker.

Ayon naman sa mga political analysts, ang term sharing ay bentahe pa para kay Velasco.

Ilang miyembro na rin ng mababang kapulungan at kapartido pa ni Velasco ang nagsabi na pinapaboran pa nila si Cayetano dahil sa magandang relasyon nito kay Pangulong Duterte.

Pinuna rin ang matamlay na track record ni Velasco sa pagsisilbi niya bilang two-term congressman, bukod pa sa hindi naman si Pangulong Duterte ang sinuportahan nito noong 2016 presidential election kundi si Sen. Grace Poe.

Nitong weekend ay umatras na sa unang pahayag na tatakbong speaker si Presidential son at Davao Rep. Paolo Duterte.