-- Advertisements --
dr scott atlas
Dr. Scott Atlas

Nadagdagan na naman ng bilang ng mga tauhan ni US President Donald Trump na nag-resign sa White House.

Pinakahuling nagbitiw sa kaniyang tungkulin si Dr. Scott Atlas, ang special adviser ni Trump sa coronavirus pandemic.

Nag-resign ito sa pamamagitan ng sulat kung saan iiwan na niya ang kaniyang position bilang Special Advisor to the President of the United State.

Nagpalasamat si Atlas sa pabor na makapagsilbi sa mamamayan ng Amerika.

Hinahangad naman nito ang kabutihan sa Biden administration. (with report from Bombo Jane Buna)