-- Advertisements --

Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., opisyal ng sumali sa Phlippine Army
Loops: PH Army / Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr. / PBBM

Opisyal nang sumali sa reserve force ng Philippine Army si Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr.

Ang special Assisant ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay tumanggap ng ranggong tenyente koronel sa isang commissioning ceremony na pinangunahan ni Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., Army commanding general, sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Binanggit ni Brawner ang papel ng mga reservist ng Army sa pagbuo ng bansa, lalo na sa pagliligtas ng mga buhay dahil kabilang sila sa mga unang tumutugon sa panahon ng mga kalamidad.

Si Lagdameo ay dating kongresista, na nagsilbi bilang kinatawan ng 2nd District ng Davao del Norte mula 2007 hanggang 2016.

Ayon kay Brawner, si Lagdameo ay isa ring public servant at ang kanyang mga lugar ng kadalubhasaan ay kinabibilangan ng rural at agricultural development, edukasyon, turismo, at sustainable development.

Sa kasalukuyan, si Lagdameo ang nagsisilbing presidential assistant ni Pangulong Marcos at naatasang pangasiwaan ang mga schedule ng Pangulo para sa kanyang mga aktibidad.