-- Advertisements --
Hindi na umano tuloy ang dapat sanang special Cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, June 17.
Ito’y ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ilang oras matapos lumabas ang ulat na tatalakayin sa nasabing pulong ang isyu hinggil sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.
Wala pa namang detalye hinggil sa biglaang pagkansela sa meeting.
Una rito, si Defense Secretary Delfin Lorenzana umano ang nag-anunsyo sa itinakdang Cabinet meeting partikular bukas ng hapon pagkatapos ng seremonya sa 121st anniversary ng Philippine Navy.
Nabatid na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Sec. Locsin laban sa China bunsod ng insidente.