LA UNION – Isang special child ang nakapag-uwi ng karangalan sa bansa matapos manalo sa larong power lifting sa isinagawang Special Olympics na ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Si Joana Yabes, 37, residente ng Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union ay isang special child na nag-aaral sa North Central School sa syudad.
Kabilang sa sinalihan at napagwagian ni Yabes ay sa 98, 99, at 115 kgs., kung saan naibulsa nito ang isang gold, dalawang silver, at isang bronze medal.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Yabes, pinasalamatan nito ang mga sumuporta sa kanya mula sa kanyang pamilya, trainors hanggang sa mga bumubuo ng kanilang organisasyon, para maipakita ang kanilang kakayahan sa larangan ng sports.
Sinabi ni Yabes na ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa kompetisyon sa ibang bansa.
Ngunit dati na itong sumasali at nanalo na rin sa mga Special Olympics na isinagawa sa Manila at Cebu.