-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Magsasagawa ng special class ang isang paaralan sa Baguio City para maturuan ang mga magulang ng mga mag-aaral hinggil sa dayalektong Iloko o mother tongue.

Kasunod ito ng mga hinaing ng mga magulang ng ilang mag-aaral sa Middle Quezon Hill Elementary School dahil sa hirap na kanilang nararanasan sa pagtuturo ng Iloko sa kanilang mga anak.

Ayon kay Punong Barangay Edita Ibbara, posibleng isasagawa ang special class sa pinaka-madaling panahon o sa Enero.

Ipinaliwanag niyang hindi epektibo ang pagtuturo ng mother tongue sa mga batang hindi naman Ilokano o yaong mga nanggaling sa ibang lugar.

Sinabi niyang marami sa mga magulang doon ang nahihirapang magturo ng mother tongue sa kanilang mga anak lalo na ngayong isinasagawa ang blending learning.

Idinagdag ng kapitana na gagamitin ang kanilang barangay hall bilang venue ng special class sa mga magulang ng mga learners.