-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer Gina Acosta habang ito ay humaharap sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability nitong Lunes ng Gabi.

Mula kasi nitong Lunes ng umaga ay humarap sa kauna-unahang pagkakataon si Acosta matapos ang makailang beses na hindi pagdalo sa nasabing pagdinig.

Mula pa ng hapon ay ginisa na siya ni Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro kung saan tinanong kung ano ang papel nito sa pagiging OVP Special Disbursing Officer.

Tinanong siya ng mga mambabatas kung ano ang papel din niya sa pag-disbures ng confidential funds ng OVP at dito ay inamin niyang ipinagkatiwala niya ang P125-Million kay Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) Commander Col. Raymund Lachica ang security officer ng OVP.

Sa nasabing pagdinig ng hilingin ni Vice President Sara Duterte na isuspendi pansamantal ang pagdinig para mabigyan ng kaunting hangin si Acosta.

Pasado alas-sais na ng gabi ng patuloy na binabantayan ng mga doctor ang kaniyang kalusugan hanggang ilabas na siya sa kamara na naka-wheelchair.

Sinamahan ni Duterte si Acosta na dinala sa Veterans Memorial Medical Center.