TACLOBAN CITY – Sinuspende ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakda sanang special election sa dalawang distrito ng Southern Leyte.
Ayon kay COMELEC 8 Regional Director Jose Nick Mendros, suspendido ang lahat ng mga preparasyon para ha congressional elections sa probinsya matapos itong hatiin sa dalawang distrito sa bisa ng Republic Act No. 11198.
Ang nasabing suspensyon ay dahil sa ipinalabas na Resolution 10612 kung saan nakasaad na isasagawa ang congressional elections sa Southern Leyte ngayong darating na Nobyembre 30.
Pero ayon kay Atty. Mendros, posibleng hindi pa rin ito mapatupad dahil hinihintay pa nila sa ngayon ang desisyon ng Korte Suprema sa Mercado case na nagpepetisyon na ideklara itong winning candidate kapareho sa petisyon ni Shirlyn Banas-Nograles sa South Cotabato na pinaboran ng Supreme Court.
Sa ngayon ay balik na sa normal ang sitwasyon sa Southern Leyte matapos ang sinimulang mga preparasyon at suspendido na rin ang lahat ng mga ipinatupad na bans tulad na lamang ng election gun ban.