Walang naitala ang Commission on Elections (Comelec) na untoward incident at aberya sa mga vote counting machines (VCMs) sa isinagawang special elections sa Tubaran, Lanao del Sur.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, highly successful ang halalan sa naturang lugar.
Ibinahagi din ni Garcia na ang mga nanalong kandidato sa pagka-alkalde, bise -alkalde at provincial board members ay naiproklaman na.
Naitransmit na rin aniya nitong umaga angcertificate of canvass mula sa Lanao del Sur.
Pinasalamatan din ni Coomelec official ang lahat ng ahensiya na tumulong para sa special elections kahapaon para ito ay maging matagumpay.
Magugunita na noong May 11, idinekalra ng poll body ang failure of elections sa 12 barangay sa Tubaran dahil sa naitalang insidente ng karahasan, threats at intimidation.