KORONADAL CITY – Agad na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Office 12 matapos ang nangyaring pagpapasabog ng IED sa unit ng Mindanao Star bus sa national highway sakop ng Upper San Mateo Aleosan, North Cotabato na ikinamatay ng isa at ikinsugat naman ng 6 na inosenteng sibilyan.
Ito ang inihayag ni PEMS Randy Hampac, tagapagsalita ng Aleosan PNP sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Hampac, di pa rin matukoy sa ngayon ang sumabog na improvised explosive device (IED) sa likurang bahagi bg bus na may body number 1551 at minamaneho ni Michael Sochaysing Hubabib, 36 taong gulang na residente Matina, Davao City.
Dagdag pa ng opisyal, isang hindi unidentified suspect ang nagdala ng bagahe at umakyat sa bus sa Kabacan, Cotabato Province ngunit nang dumating sa Pikit ay bumaba ito.
Hindi naman inaalis ng pulisya ang anggulong extortion sa pangyayari at inaalam din kung kaninong signature ang sumabog na bomba.
Sa ngayon ay nasa ligtas na kalagayan na sa Aleosan District Hospital at Cotabato Regional Medical Center ang 6 sa 7 mga sugatan kabilang ang isang 5 buwang sanggol ngunit naiulat naman na binawian ng buhay ahg 5 taong gulang na naputulan ng 2 paa.
Mahigpit naman na check point ang ipinapatupad sa ngayon sa buong Region 12 dahil sa pangyayari.
Samantala, pinangungunahan ni PCol Michael Lebanan, ang binuong SITG na siyang tututok sa mas malalim na imbestigasyon sa itinuturing to supervise the investigation of said heinous terrorist attack sa mga sibilyan.