(UPDATE) GENERAL SANTOS CITY – Bubuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP para imbestigahan ang pagpaslang kay Hyun Seong Hong, isang Korean business man, nasa hustong gulang na taga Barangay Labangal, GenSan.
Si Hong ay natagpuang wala nang buhay at tadtad ito ng mga gunshot wounds habang nasa loob ng kulay puting kotse.
Ayon kay P/Maj. Yul Hilado, hepe ng Lagao Police Station, wala pang lead kung sino ang mga responsable at blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pagpatay ang bubuing SITG upang matutukan ang ginawang pagpaslang sa dayuhang biktima na may lending business.
Nalaman ng otoridad na ang biktima ay isa ring American passport holder dahil isang American citizen rin.
Noong Enero 2016 nang nahuli si Hong sa operasyon sa PDEA kung saan nakumpiska rito ang hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Overstaying na rin si Hong sa bansa kayat nahaharap sa kaso.
Lakip sa nakita sa kapulisan ang basiyo sa bala sa .45 kalibre na baril.
Matatandaang tinangkang sunugin ang bangkay ng biktima matapos na sinilaban ang kotse nito ngunit ang driver seat lamang ang nasunog at hindi na lumaki ang apoy.