-- Advertisements --
5 1

BAGUIO CITY – Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Gulliermo Eleazar sa Provincial Regional Office Cordillera (PROCOR) ang pagkabuo ng Special investigation Task Group na tututok sa imbestigasyon ng pamamaril sa dating mayoral candidate ng Poblacion, Pilar sa probinisa ng Abra.

Una ng nakilala ang biktima na si Dra. Amor Triba Dait, residente rin ng nasabing lugar at nagsisilbing frontliner sa La Paz Diustrict Hospital.

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek si Dra. Dait sa mismong bahay nito sa Poblacion Pilar noong Sabado, Setyembre 18.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng mga kapulisan, sinasabing hidwaan sa trabaho, personal, pamilya at posibleng kontektado sa pulitika ang dahilan ng pamamaril sa biktima.

Samantala, natagpuan naman sa crime scene ang limang basyo ng bala ng M-16 rifle na posibleng ginamit ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon pa kay General Eleazar,sa pamamagitan ng nasabing task group ay mapapabilis ang takbo ng imbestasyon upang mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilyang naiwan nito.

Ipinahatid naman nga mga opisyales ng Abra ang pakikipagluksa sa pamilya ng biktima.