(Update) DAVAO CITY – Hindi umano nagkulang ang pamunuan ng kapulisan sa pagbibigay ng payo sa kanilang mga personahe na iwasan ang pag-invest ng pera sa mga investment schemes na nag-aalok ng malaking tubo.
Ito ang binigyang diin Col. Ferlo Silvio, director ng Davao del Norte Provincial Police Office matapos na makita nito sa opisina ng Kabus Padatuon (KAPA) sa Tagum City ang special lane para sa PNP at militar pati na sa mga guro.
Ang founder ng KAPA ay ang nagpapakilalang pastor na si Joel Apolinario.
Nabatid naman na ang lane number 10 ay para umano sa mga miyembro ng AFP/PNP habang ang lane number 9 naman ay para sa mga guro at principal.
Tiniyak naman ni Col. Silvio na iimbestigahan nila ang mga miyembro ng PNP na miyembro ng KAPA.
Aniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa militar para malaman din kung sino sa kanilang mga personahe ang nag-i-invest ng pera.
Una nang nagbanta ang PNP na mahaharap sa kaso ang sinumaan sa kanilang mga personahe na nag-invest ng pera sa mga investment schemes sa rehiyon.
Samantala huling nagsagawa ng raid ang PNP at CIDG kahapon kung saan pinasok nila ang opisina ng Rigen Marketing at Organico Agribusiness Venture.
Sa statement ng Securities and Exchange Commission (SEC) ay muli itong nagbabala sa pag-iral ng kahalintulad na mga investment scams: “such activities constituted the sale and offering of securities in the form of investment contracts, which required a secondary license from the Commission. Securities are shares, interest or participation of investors in an enterprise which gives rise to an expectation of profits primarily derived from the efforts of others.”
“Soliciting investments from the public without the necessary license and through fraudulent means is a crime and punishable under the law,†ani SEC Chairperson Emilio B. Aquino. “We are intent on bringing the people behind investment scams, including their abettors, promoters and supporters, to justice.â€