-- Advertisements --

Nagpatawag ng special meeting bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) kasama ang mga Infectious Diseases Experts.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatalakayin sa nasabing meeting ang bagong variant o strain ng COVID-19 na nagsimula sa United Kingdom (UK).

Ayon kay Sec. Roque, kabilang sa dedesisyunan ay kung palalawigin ang entry restriction sa lahat ng mga biyahe mula UK na nagsimula kahapon ng madaling araw na nakatakdang magpaso sa Disyembre 31.

Kabilang din sa pag-uusapan ang posibleng pagsama na rin sa travel ban ang mga biyaheng manggagaling sa ibang bansang may bagong COVID-19 variant na rin maliban sa UK gaya ng Singapore at Hong Kong.

Inihayag naman ni Sen. Bong Go na pinutol nila ang kanilang Christmas break ni Pangulong Duterte dahil nababahala sila sa nasabing bagong variant ng COVID-19.
Gagawin ang meeting sa Malago Clubhouse sa Malacañang ganap na alas 6 ng gabi.