-- Advertisements --

Inilabas ngayong araw ng Biyernes, Peb. 7, ng Department of Employment (DOLE) ang ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power sa Pebrero 25 bilang special non-working day.

Ayon sa kanilang Labor Advisory 2, S. 2025 ang gagawing pay rules ay alinsunod lang din sa kanilang Proclamation noong 2024 na ang Pebrero 25, Martes, 2025 ay isang holiday sa bansa.

SOURCE: DOLE

Ang naturang advisory ay nilagdaan ni Secretary Bienvenido Laguesma.

Sa advisory nakalagay naman ang mga rules katulad ng mga sumusunod:

  1. Kinukunsidera ang naturang anibersaryo bilang ordinaryong pasok para sa pasahod na related sa benepisyo ng mga manggagawa.
  1. Kung ang empleyado ay hindi makakapasok, papasok ang ”no work, no pay” na principle kung ito’y pabor sa agreement ng empleyado at policy ng company.
  1. Para sa trabaho na isinagawa sa special working day ang employer ay magbabayad ng 100% na sahod para sa empleyado nito alinsunod sa unang walong oras (Basic wage x 100%) at
  1. Para sa trabaho na isinagawa ng lampas sa walong oras, ang employer ay magbabayad ng karagdagang 25% na rate para sa araw na iyon (Hourly rate of the basic wage x 125%).