-- Advertisements --

Nagpaabot ng mensahe ang Filipino pride at international singer-songwriter na si Apl De Ap sa lahat ng Pilipinong atleta na lalahok sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas.

Kasama ng Filipino-American rapper na magpeperform ang kaniyang Grammy Award-winning hiphop group na The Black Eyed Peas.

Ayon kay Apl, buo ang kaniyang suporta sa lahat ng atletang Pinoy na dadalhin ang bandila ng Pilipinas sa araw ng SEAGAMES.

Hindi naman daw ito nahirapan na kumbinsihin ang kaniyang mga kasamahan nang sabihin nito ang magandang balita.

Malugod na tinanggap ng 44-anyos na mang-aawit ang imbitasyon ng Philippine Southeast Asian Games Committee (Phisgoc) Foundation Inc. Nangako rin ito na magiging kaabang-abang talaga ang gagawin nilang performance.

Kasama si Philippine Southeast Asian Games Committee (Phisgoc) Foundation Inc. chair and House Speaker Alan Peter Cayetano, ay pormal nang pinirmahan kanina ng music icon ang kaniyang kontrata.

Nitong April 2019 lang nang mag-concert sa bansa si apl. o Allan Pineda sa tunay na buhay kung saan nasangkot ito sa minor incident matapos nawalan ito ng balanse habang nakatayo sa steel barricades.

Kabilang sa hit songs ni Apl.de.ap bilang miyembro ng Black Eyed Peas ay ang “Hey Mama,” “Bebot,” “Don’t Lie,” “Let’s Get It Started,” “Boom Boom Pow,” “My Humps,” “I Gotta Feeling,” “Where Is The Love?” at iba pa.