-- Advertisements --

NAGA CITY- Kasabay umano ng kalungkutan na naramdaman ngayon sa United Kingdom dahil sa pagpanaw ni Prince Philip ay isinagawa rin ang special program ng mga telebisyon at radyo.

Sa report ni Bombo International News Correspondent Paul Ledesma, mula sa Manchester, United Kingdom, sinabi nito na agad na nagsagawa ng special program ang mga programa sa telebisyon at radyo tungkol sa Duke of Edinburgh.

Kaugnay nito nagpalabas na ng pahayag ni Queen Elizabeth II, kung saan ayon dito labis ang kanilang kalungkutan lalo pa’t magdadaos pa sana ng ika-100 na kaarawan ang nasabing Prinsipe sa darating na Hunyo, 10.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pakikiisa ng mga mamamayan at malalaking personahe para sa royal family.