Umaasa ang Department of Justice (DoJ) na magkakaroon ng special raffle ngayong araw ang Legazpi City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa mga kasong isinampa laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi kasi nai-raffle ang kaso noong Huwebes para malaman kung kaninong hukom mapupunta ang mga isinampang dalawang counts murder at anim na counts frustrated murder laban kay Mayor Baldo at limang iba pa.
Wala kasi aniya ang executive judge ng Legazpi RTC noong Huwebes kaya sa halip na maghintay pa sila sa susunod na Huwebes para sa schedule ng pag-raffle sa mga bagong sampang kaso ay hiniling na ng DoJ na idaan ito sa special raffle ngayong araw.
Ang mga kaso laban kay Mayor Baldo ay kaugnay ng pagkakapaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe noong December 22, noong nakaraang taon.