-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Makakatanggap na ng Special Recognition Incentive o SRI ang mga regular and casual, contractual at job order employees ng City Government sa susunod na linggo.

Kahapon,February 2, 2022 ng aprubahan ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang Appropriation Ordinance number 21-001 na nagkakahalaga ng mahigit sa Php 82.3 Million kung saan ay kasali sa mga items nito ang pamimigay ng SRI sa mga empleyado.

P10,000 ang matatanggap ng mga regular and casual employees, samantalang P5,000 naman para sa mga Contract of Service at Job Order employees.

Inaprubahan ng konseho ang pagbibigay ng SRI sa pamamagitan ng kanilang Presiding Officer na si City Councilor Melvin Lamata, Jr na nanguna sa special session dahil na rin sa absent si Vice Mayor Jivy Roe Bombeo sa araw na yun.

Agad umaksyon ang mga kasapi ng Sanggunian matapos unang magpalabas ng memorandum si Bombeo na nagkakansela sa special session na magbibigay sana ng SRI sa mga empleyado.

Pinasalamatan ng mga empleyado ng City Government ang mga kasapi ng konseho sa agarang pagtugon sa pagbibigay ng insentibo sa kabila ng kautusan ng bise-alkalde na ikansela ang special session para sa pamimigay sana ng SRI.

Ang pamimigay ng SRI ay isang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang dagdag na insentibo para sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na una ng naibigay sa dulong bahagi ng taong 2021.

Panawagan naman ni Mayor Evangelista na pagbutihan pa ng mga empleyado ang kanilang trabaho lalo pa at humaharap pa rin sa krisis ng pandemya ng Covid-19 ang lungsod hanggang sa kasalukuyan.