-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Ipinasiguro ni Aklan Governor Florencio Miraflores na matatanggap na ng mga kwalipikadong health care workers (HCWs) sa lalawigan ang kanilang special risk allowance (SRA).

Ayon sa gobernador makakatanggap umano ang mga HCWs sa Aklan ng hanggang P5,000 na monthly allowance sa pribado at pampublikong ospital na nag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19 mula December 2020 hanggang kasalukuyang taon.

Dagdag pa nito na ang naturang monthly allowance ay matatanggap na bago matapos ang Agosto upang magamit na.

Nabatid na ang naantalang allowance ang dahilan ng bantang mass resignation ng mga health workers sa bansa.