-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Bumuo ng special task group ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 matapos ang pagkakadiskubre ng nasa P2 milyong halaga ng cocaine sa isang container van sa Brgy. Labangal, General Santos City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay ni PDEA-12 Regional Director Naravy Duquiatan, layunin nitong mapabilis ang imbestigasyon at matukoy ang mga lugar na ipapadala sana mula sa Singapore bago ito naharang sa naturang lugar.

Ayon kay Duquiatan, kanila ring aalamin kung sinu-sinong mga local o international syndicated group ang sangkot o may kinalaman sa naturang kontrabando.

Nabatid na ito ang unang kaso ng pagkaka-intercept sa cocaine na naitala ng tanggapan sa buong rehiyon 12.