-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Agad nang binuo ng PNP ang Special Investigation Task Group (SITG) ang na tututok sa kaso ng pagpaslang sa isang abogado matapos nitong dumalo sa hearing sa harapan mismo ng Justice Hall sa lungsod ng Dagupan.

Una rito, dumalo ang biktima na si si Atty Val Crisostomo sa hearing sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling subalit pagkatapos nito nang makalabas na ang abogado ay doon na ito pinaulanan ng bala ng hindi nakilalang mga suspek dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni PNP Pangasinan Police Director, Col. Wilson Lopez, na binuo ang naturang grupo na pinagsanib ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP/CIDG), ay mga miyembro ng PNP Dagupan miyembro mula sa kanilang provincial office upang mapadali ang imbestigasyon.

Bagamat sa ngayon aniya ay wala pa silang malinaw na motibo na nakikita kaya’t isinasa-alang alang parin nila ang lahat ng posibleng motibo.

Habang bigo rin ang mga otoridad na mahuli ang mga hindi pa nakikilalag mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation matapos ang krimen.

Kasunod nito ay hinikayat ni Lopez, ang sinumang nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa kanilang hanay para mabilis na ikareresolba nito.

Samantala, iginiit naman ni Lopez, na may nakatalagang mga pulis sa justice hall subalit hindi sa labas nito kung saan binaril ang biktima.

Depensa pa ni Lopez, agad na lumabas at nagresponde ang mga ito ng makarinig ng putok ng baril.