Inanunsyo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na babalangkas sila ng isang task group na tututok sa mga politiko at grupo na posibleng magpakalat ng fake news, AI deepfakes at iba pa.
Ayon kay Garcia, ang binubuong team ay siyang makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para mahabol ang mga gumagawa ng disinformation.
Kabilang sa mga hihingan ng saklolo ng grupo ay ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Information and Communications Technology (DICT), social media companies at marami pang iba.
Maging ang Presidential Communications Opffice (PCO) umano ay hihingan nila ng tulong kung kinakailangan.
Umapela rin si Garcia sa publiko na suportahan sila sa paghahanap sa “fake news peddlers, upang panagutin sa batas ang mga ito.
Nakadepende naman sa pag-determine ng mga eksperto kung ano ang maaaring isampang kaso, ipapataw na parusa at hihinging danyos laban sa mga lalabag sa batas o maninira gamit ang makabagong teknolohiya.