Nakatakdang ianunsyo ni Queen Elizabeth sa Lunes ang ilan sa mga bagong legislation upang gamitin sa pag-reporma ng justice system ng Britanya.
Ang tinaguriang “Queen’s speech” ay magsisilbing highlight sa Lunes ng elaborate pageantry sa Westminster kung saan dito ilalahad ang mga detalye ukol sa mga bagong panukala na nais ipatupad ng gobyerno sa mga susunod na taon.
Ngunit dahil hindi pa nareresolbahan ang Brexit, lahat ng plano sa darating na pitong araw ay posible pa rin mauwi sa isang unpredictable election.
Ayon sa ilang rival parties, ginagamit lamang umano ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson para sa kaniyang pansariling interes si Queen Elizabeth.
Sa nasabing talumpati, inaasahan na ilalatag ang 22 bagong panukala kasama na rito ang paghihigpit sa mga foreign criminals at sex offenders, maging ang pagbibigay proteksyon sa mga biktima ng domestic abuse.
“Keeping people safe is the most important role of any government, and as the party of law and order it is the Conservatives who are cracking down on crime and better protecting society,” saad ni Johnson sa isang pahayag.