-- Advertisements --

Umaasa ang American boxer na si Errol Spence na matuloy na ang laban niya kay Manny Pacquiao.

Kasunod ito ng pagkapanalo ni Spence kay Danny Garcia sa pamamagitang ng unanimous decision sa laban na ginanap s AT&T Stadium sa Arlington, Texas.

Sinabi pa ng 30-anyos na si Spence na ipapaubaya niya sa fighting senator ang nasabing desisyon kung itutuloy ba ang laban nila sa 2021.

Mayroong record si Pacquiao na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang si Spence ay mayroong 27 panalo at wala pang talo.

Nauna rito gumagawa aniya ng paraan si Top Rank CEO Bob Arum na matuloy ang laban ni Pacquiao kay Terrence Crawford sa susunod na taon.