-- Advertisements --
Balik sparring session na si Errol Spence Jr matapos na ito ay maaksidente halos isang taon na ang nakakalipas.
Sinabi ng kaniyang trainer na si Derrick James, isasagawa ang sparring session nito sa Jame’s gyms sa Dallas.
Mula pa kasi noong Marso ay nagsasanay na ito pero hindi pa siya nakapag-sparring.
Magugunitang noong Oktubre 10, 2019 ay naaksidente si Spence matapos ang ang 12-round split-decision na panalo laban kay Shawn Porter sa kanilang welterweight title unification noong Setyembre 28 sa Staples Center, sa Los Angeles.
Pinaghahandaa ngayon ng kampo nito ang laban niya kay Danny Garcia sa Nobyembre 21.
Mayroong 26 panalo, walang talo at 21 knockouts ang 30-anyos na IBF/ WBC welterweight champion.