-- Advertisements --

Hindi manonood ng personal si IBF at WBC boxing champion Errol Spence sa laban ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas.

Ayon sa kaniyang trainer na si Derrick James na pinagbawalan siya ng kaniyang doctor na manood dahil sa katatapos lamang ang operasyon ng kaniyang mata.

Hindi na rin aniya nila makontrol ang pangyayari kaya sinunod na lamang nila ang payo ng doctor para na rin sa kalusugan ng nasabing boksingero.

Nakatakda sanang idepensa ni Spence ang kaniyang titulo sa Filipino boxing subalit nagkaroon ito ng injury sa mata kaya agad na napili ng organizers si Ugas.