-- Advertisements --

Hindi pa ring natatangal sa listahan ni Errol Spence na makaharap sa boxing ring si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi ng World Boxing Council at Intercontinental Boxing Federation (IBF) champion, na nanatili pa rin si Pacquiao sa listahan na nais niyang makaharap.

Isa aniyang karangalan na makaharap aniya ang boxing legend ng Pilipinas.

Labis ang ginagawa ngayoni ni Spence ng paghahanda para sa laban niya kay Danny Garcia sa Disyembre 5 sa Texas.

Magugunitang naayos na ang laban ng fighting senator kay UFC star Conor McGregor sa 2021.