-- Advertisements --

Ipapaubaya na lamang ni WBC at IBF vhampion Errol Spence Jr kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao kung pipiliin ba siya nito na makaharap.

Sinabi nito na hindi naman ito nagmamadali na makaharap ang fighting senator subalit kung piliin naman siya sa 2021 ay hindi na ito tatanggi.

Bukod kasi kay Pacquiao ay ilang boksingero ang nakalinya rin gaya nina Yordenis Ugas, Keith Thurman at Shawn Porter.

Huling lumaban si Spence ay noong talunin niya si Danny Garcia noong nakaraang buwan.

Kung saan binati pa siya ni Pacquiao.

Magugunitang ibinahagi ni Pacquiao na interesado itong makaharap si UFC fighter Conor McGregor sa susunod na taon.