-- Advertisements --
Precilyn Melo Sylvestre
Article by Precilyn Silvestre-Melo (USA correspondent)

CALIFORNIA, USA – Sa September 29 nasa bingit umano ng alanganin si WBC welterweight champ Errol Spence dahil kay IBF champ Shawn Porter sa Staples Center in Los Angeles, California para masungkit ang World Welterweight Championship Unification.

Sinasabing maruming laban umano ang balak gawin ni Porter sa harapan nila ni Spence.

“I’m intentionally trying to be a dirty fighter,” sabi ni Porter sa isang press conference.

Sa kasalukuyan may record na 25 panalo at wala pang talo si Spence na tubong New York. Nasa 21 panalo rito ay via knockouts.

Si Porter naman ay may 30 panalo at dalawang talo.

Nagmula si Porter sa Ohio na may 15 na knockouts at isa rito ay nauwi sa tabla.
Sa September 29 magsasalpukan ang dalawa para sa welterweight belt at may usap-usapan na maaring makaharap ni Pacquiao ang mananalo sa kanila sa susunod na taon.

Subalit, malabo pa rin kung sino talaga ang sunod na mabubugbog ng pambansang kamao.

SPENC VS PORTER
Spence vs Porter

Matatandaang nabugbog ni Pacman si Keith Thurman na nakalaban na ni Porter.

Nakatikim ng kauna-unahang talo si Thurman kay Pacquiao kaya kung sinuman umano ang mananalo sa pagitan nila Porter o Spence ay siguradong makakatikim ng bagsik ng kamao ng legendary champ.