Nagpalitan ng maaanghang na salita ang mga welterweight world titleholders na sina Errol Spence Jr. at Shawn Porter nang magharapan ang dalawa sa kanilang final prefight news conference sa Los Angeles.
Magtutuos ang dalawa para sa kanilang unification bout na main event ng Premier Boxing Champions car sa darating na Setyembre 29 sa Staples Center.
Nangantiyaw kasi ang IBF champion na si Spence na sasamantalahin niya raw ang pagkakataon para i-knockout si Porter.
Umalma naman ang WBC titleholder at bumuwelta ito kay Spence sa pagsasabing hindi raw nito nagawang mapatumba ang mas maliit na si Mikey Garcia nang magtuos ang dalawa noong Marso.
Iginiit din ni Porter, na sasalang sa kanyang ikalawang title defense, na “sisirain” niya raw si Spence, na naasar naman sa banat ni Porter.
“I don’t make anything of the words he’s saying. We train hard, and we’re focused and prepared for anything he brings Saturday night,” wika ni Spence. “He says he’ll break me, he’s gonna stop me, he’s gonna beat me up. Keep that same energy come Saturday night.
“He’s been talking a lot, his dad [and trainer, Ken Porter] has been talking a lot, and I want to knock him out. After Saturday night they’re going to call me the ‘showstopper,’ I can promise you that.”
Mahalaga rin umano para kay Spence na ma-knockout si Porter na kanya raw layunin sa una pa lamang.
“It’s important to me to get the knockout,” ani Spence. “It’s a goal of mine to stop him, and I hope to get it done. If I can’t get it done, then I’m just going to be comfortable with the victory. But you know I’m looking for the stoppage.”
Sa panig naman ni Porter, inaasahan niya na raw na magiging mainitan ang pagtatagpo nila ni Spence bago ang bakbakan nila.
“I expected it to get heated today. I know that if I fire at Errol, he’s going to fire back. That’s how the fight’s going to be as well. Everyone got a good taste of what you’ll see Saturday,” ani Porter.
Binalewala lamang din ni Porter ang pagiging 10-to-1 underdog nito kay Spence.
“Being in the underdog position is literally where I come from. Northeast Ohio is always an underdog,” giit ni Porter. “Everybody works where I come from. We always do the best we can.”