-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilagyan na ng spill boom ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Surigao del Norte Station at ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) ang paligid ng LCT Cebu Great Ocean vessel na napadpad sa baybayin ng Purok 2, Barangay Cantapoy, Malimono, Surigao del Norte.

Ito ay bilang preventive measure para sa posibleng magaganap na oil spillage habang magpapadala rin ang may-ari ng barge ng kanilang tugboat upang ito’y mahila na.

As of press time, hindi pa rin natagpuan ang 9 na mga na-missing na crews pati na si ship captain Mario Palacio habang ang lahat ng mga survivors ay inilipat na sa Caraga Regional Hospital.

Sa ngayo’y nasa search and retrieval operation na ang ginawa para sa mga missing pang tripolante.

Samantalan, nakabagbag-damdamin naman sa mga rescuers ang isang aso ana kanilang narekober sa ng mismong barge na pag-aari umano ng kapitan dahil tila ayaw umano nitong iwan ang barge nang siya’y kinarga na upang maibaba at tuluyan nang mailigtas.