Posibleng matatapos na ang pamamayagpag ng tinaguring splash brother sa NBA – ang tambalang Stephen Curry at Klay Thompson sa Golden State Warrior.
Ito ay kasunod ng napipintong pagpirma ni Klay Thompson sa kanyang $50 million contract kasama ang Dallas Mavericks.
Ang tambalan ng dalawang Warriors shooter ang binabansagan ng maraming NBA analysts bilang deadliest backcourt sa kasaysayan ng ligar, kasundo na rin ng pagbulsa ng dalawa ng apat na championship ring.
Gayonpaman, hindi naging madali kay Klay Thompson na i-mentene ang maganda nitong performance sa nakalipas na dalawang season, dahilan upang lumabas ang ispekulasyon na tuluyan na itong papalitan ng Warriors management.
Maalalang nagtamo si Klay ng ACL injury noong 2019 championship run ng Warriors.
Tuluyan ding natalo ang Warriors noon sa Toronto Raptors, kasunod ng sunod-sunod na injury na dinanas ng iba pang Warriors player, kasama na si Kevin Durant.
Dahil sa ACL injury ni Klay, hindi siya nakapaglaro sa kabuan ng 2020-2021 season na sinundan din ng iba pang injury.
Tuluyang bumalik ang Warriors legend noong 2022 at tumulong upang ibulsa ng kanyang koponan ang isa pang kampeonato laban sa Boston Celtics – ikaapat na kampeonato na naibulsa nila ni Curry bilang splash brothers.
Sa nakalipas na 2023-2024 season, nagawa pa rin ni Klay na magpasok ng 17.9 points per game, kasama na ang 3.3 rebounds, at 2.3 assists per game. gayonpaman, marami ang pumuna at nakapansin sa kanyang mistulang matamlay na laruan kung saan hawak lamang niya ang 38.7% na shooting average mula sa 3-pt line.
Bagaman lumalabas na nagkaroon pa ng ibang negosyasyon sa pagitan nina Klay Thompson at ng Warriors management, tuluyan ding pumayag si Thompson sa naging offer ng Western conference defending champion na Dallas Mavericks na $50 million para sa kanyang tatlong taon.
Dahil sa naturang desisyon, tuluyan nang mabubuwag ang splash brothers sa NBA, kung saan maiiwan si 4-time NBA champion at tinaguriang greatest shooter of all time, Stephen Curry.
Sa panig ng Warriors, wala pa itong opisyal na inilabas na pahayag ngunit maalalang tuluyan din nitong binitawan ang batikang si Chris Paul na kinalaunan ay pumirma ng deal sa San Antonio Spurs.
Samantala, naglabas naman ng emosyuna na pahayag ang Golden State Warriors ukol sa tuluyang paglisan ni Thompson.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng Warriors, nakasaad dito ang pasasalamat ng koponan sa lahat ng naging kontribusyon ni Thompson sa loob ng 13 years na kanyang pananatili sa koponan.
Bilang resulta ng kanyang dedikasyon nagawa umano ng koponan na makakuha ng apat na championship at pumasok sa Finals sa loob ng anim na season.
Ginunita rin ng koponan ang record na hawak ni Klay katulad ng 37 points sa loob ng isang kwarter na siyang pinakamataas na puntos sa kabuuan ng kasaysayan ng NBA. Naitala rin ni Klay ang 14 3-pointers sa loob ng isang game, na isa ring NBA record.
Hindi anila matatawaran ang kasiyahang nararamdaman ng koponan a mga fans sa paglalaro ng 5-time All star shooter.
Ginunita rin ng koponan ang bansag kay Thompson bilang Game6 Klay dahil sa halos hindi pagpalya ng kanyang mga performance kapag games 6.
Nangako ang koponan na ang jersey no. 11 ni Klay ay mananatili sa kasaysayan ng Warriors, ang koponan na tinulungan niyang pumasok sa isang dinastiya sa NBA