-- Advertisements --
FIBA ASIA CUP QUALIFIERS
FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers (photo from @FIBAAsiaCup)

Patuloy na nadadagdagan ang mga sports events na nagkakansela dahil sa pangamba sa Coronavirus Diseases (COVID-19).

Mula sa mainland China na mga events, kumalat pa sa iba’t ibang panig ng mundo na gumaya na rin sa mga kanselasyon dahil sa paglawak pa ng mga naaapektuhan ng deadly virus.

Iba ibang mga laro ang kinansela sa athletics, auto racing, badminton, basketball, biathlon, boxing, equestrian, field hockey, football, golf, handball, ice hockey, judo, rugby, skiing, swimming, tennis at marami pa.

Kabilang naman sa mga naapektuhan ay ang mga sumusunod:

-FIBA Asia Cup 2021 Qualifier games kung saan may laro sana ang Gilas kontra Thailand sa February 20

FIBA Asia

-World indoor championships sa Nanjing na inilap sa March 2021
-Asian indoor championships sa Hangzhou na kinansela
-Formula One Chinese Grand Prix sa Shanghai na wala pang bagong petsa
-Nag-withdraw ang China at Hong Kong sa Asian team championships sa Manila nitong linggo
-Asian Cup qualifier sa pagitan ng China at Malaysia
-Asia-Oceania Olympic qualifier mula Wuhan ay sa Jordan na ang venue sa March 3-11
-AFC Cup: All group stage at playoff matches sa east zone ay delayed hanggang April 7
-World Chess Federation presidential council meeting mula China ay sa UEA na
-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para Games sa Philippines na gagawin sana sa March 20-28 ay hahanapan pa ng bagong petsa