-- Advertisements --
CelticsBoston

Hati ang mga pananaw ng mga sports analysts sa kalalabasan ng best-of-seven series sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics na magsisimula bukas.

Ayon sa ilang tagamasid, asahan daw ang magandang match up ng dalawang teams sa mga players.

Marami raw kasi ang gugulatin sa makikitang exciting games sa kanilang serye.

Sorpresa kasi ang pagpasok ng Boston at Miami sa finals.

Partikular daw na dapat abangan ang umaatikabong three points shots ng magkaribal na koponan.

Sa kampo ng Boston nandyan ang mga talentadong main players na sina Jason Tatum, Jaylen Brown, Kemba Walker, Gordon Hayward at Marcus Smart.

Gayunman hindi rin daw magpapahuli ang lalim o hanggang bench players ng Miami.

Nandiyan din kung gumana ang pamatay na 3-point offense ng Miami.

Kabilang sa tiyak daw na aagaw ng atensiyon ay ang veteran na si Goran Dragic at mga bagito pero matinik sa init ng kamay na sina Kendrick Nunn, Derrick Jones Jr., Tyler Hero at lalo na kung maging buwenas pa lalo si Duncan Robinson.

Ang mga three point specialists ng Miami ay nagpadagdag sa maasahan na All-Star players na sina Bam Adebayo at Jimmy Butler.

Ang Boston ang tanging Eastern Conference team na tumalo ng dalawang beses sa Miami sa regular season para sa 2-1 record.

Kung maalala bago pa man nakarating sa conference finals ang Boston (No. 3), pinahirapan muna sila ng Toronto Raptors kung saan umabot ang serye sa seven games habang ang Heat (No. 5) ay nangailangan lamang ng five games upang idispatsa naman ang top team sa NBA na Milwaukee Bucks.

Games sked:

Game 1: WEDNESDAY, Sept. 16, 6:30 AM
Game 2: FRIDAY, Sept. 18, TBD
Game 3: SUNDAY, Sept. 20, 8:30 AM
Game 4: TUESDAY, Sept. 22, TBD
Game 5: THURSDAY, Sept. 24, TBD
Game 6: SATURDAY, Sept. 26, TBD
Game 7: MONDAY, Sept. 28 TBD