LEGAZPI CITY – Naniniwala ang isang basketball coach na nananatiling liyamado ang Golden State Warriors laban sa Toronto Raptors sa nakatakdang paghaharap ng mga ito sa NBA Finals.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Coach Alex Niebres, maituturing pa ring powerhouse ang team ng Warriors sa back-to-back na mga kampeonato.
Malaking advantage din aniya kung makakapaglaro ang lahat ng star player ng team sa pangunguna nina Stephen Curry, Kevin Durant at DeMarcus Cousins.
Magaling umano si Durant sa two points at three points habang si Cousins naman bilang three-pointer.
Sa kabila nito, naniniwala si Niebres na hindi dapat maging kampante ang Warriors lalo na at noong Nobyembre 29 at Disyembre 12, 2018 ng matalo ang team ng makaharap ang Raptors.
Si Kawhi Leonard naman ang tinitingnan ni Coach Alex na magpapaangat sa team sa pointing gayundin si Pascal Siakam.
Mabilis umanong maiko-convert sa points ang mabagal na paglalaro subalit “best assists” ni Marc Gasol.
Ngayon pa lamang ay pinagpipilian na ng mga basketball fans at sports analysts sina Leonard, Durant at Curry bilang Most Valuable Player ng season.
Samantala sa pagnanais naman ng dalawang team na makapwesto bilang champion, posible pa ring maging iba ang kalalabasan kumpara sa prediksyon.
Sa Biyernes, Mayo 31 ang nakatakdang unang pagtatapat ng Warriors at Raptors.