-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay sa naiwang pamilya ng legendary coach at four time UAAP champion na si Aric del Rosario.

Ilan sa mga sports writers ang kanya-kanya ng tribute sa naiambag ni Del Rosario sa Philippine basketball.

Maging ang iba pang unibersidad ay nagpaabot din nang pagsaludo sa coach.

Maging si Ginebra coach Tim Cone ay nagbahagi rin sa ilang mga natutunan nang maging assistant coach niya at makasama sa grand slam team.

Una nang napaulat na pumanaw kahapon ng umaga ang dating coach ng UST sa edad na 80-anyos.

Kung babalikan apat na sunod-sunod na kampeonato ang ibinigay ni coach Aric sa Growling Tigers noong dekada nubenta sa UAAP.

Nagsilbi rin siyang NCAA commissioner sa pagitan nang 2009 hanggang 2011.

Hinawakan din niya ang University of Perpetual Help System DALTA mula 2012 hanggang 2015.

Noong panahong ‘yon nadala niya ang Altas sa tatlong Final Four appearances sa NCAA.

Dati rin siyang naging assistant coach sa Alaska Aces at Talk ’N Text Phone Pals sa PBA.