-- Advertisements --
Nagbitiw sa kanyang tungkulin ang sports minister ng Indonesia matapos na maakusahang nagnakaw ng 26.5-bilyong rupiah o mahigit P93-milyon mula sa kaban ng bayan.
Ayon kay Youth and Sports Minister Imam Nahrawi, tinanggap na raw ni President Joko Widodo ang kanyang pagbibitiw upang maigugol niya ang kanyang oras sa pagdepensa sa paratang.
“As a law-abiding citizen, I want to focus on facing that,” wika ni Nahrawi.
Hinimok naman nito ang publiko na irespeto ang presumption of innocence habang nagpapatuloy ang ligal na proseso.
Una nang inanunsyo ng Corruption Eradication Commission ng Indonesia na pinaghihinalaan si Nahrawi na ginamit ang nasabing halaga ng pera para sa kanyang pansariling interes. (AP)