-- Advertisements --
PBBM 2

Pagmamahalan ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Kapaskuhan.

Ipinahayag ito ng pangulo sa kaniyang naging mensahe para sa mga Pilipino ngayong Araw ng Pasko.

Dito ay binigyang-diin niya na ang pagmamahalan ang tunay na kahulugan at diwa ng Pasko.

Ito aniya ang pinakasimpleng paraan para sa muling pag-usbong ng pag-asa ng mas maliwanag na kinabukasan sa puso ng bawat isa mula sa Kapanganakan ni Kristo.

Samantala, bukod dito ay hinikayat din ng punong ehekutibo ang lahat na malayang ihandog ang ating mga ngiti, makipagkwentuhan, at magturo ng dagdag na kaalaman sa ating mga kasamahan, mga mahal sa buhay, at maging sa ibang tao.

“It is this pure and simple love that Christmas represents—the same one that we constantly desire and need—that allows it to be more than just a Christian tradition. Across beliefs, all the generosity and goodwill stirred in this season are welcomed. Surely, embracing these will help us overcome the difficulties brought by the pandemic and other challenges,” bahagi ng liham ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Pasko.