-- Advertisements --

Nagpaabot ng birthday message si Senate President Francis “Chiz” Escudero kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Magbi-birthday si Duterte sa March 28, araw ng Biyernes sa detention facility ng International Criminal Court.

Ipananalangin daw ni Escudero ang kaligtasan ni Duterte gayundin ang paghilom ng anumang sugat sa isip, puso at pangangatawan nito ngayong nakakulong ito sa ICC.

Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity sa ICC para sa kanyang madugong war on drugs, na nagsimula noong 2016 na ikinasawi ng libu-libong inidibidwal.

Binuksan ng ICC ang preliminary examination sa kampanya laban sa droga noong 2018 ni Duterte at kalaunan ay nag-wothdraw ang bansa sa Rome Statute noong 2019.