Tuluyan nang naitsapuwersa sa nalalapit na NBA playoffs ang San Antonio Spurs.
Ito ang unang pagkakataon sa 22-record tying ng Spurs na ngayon lamang sila nabigo na umusad sa first round.
Nagmula ito mula taong 1996 hanggang 1997 season.
Nagwakas ang ambisyon ng San Antonio nang talunin sila ng Utah Jazz sa score na 118-112 sa ginanap na laro sa Lake Buena Vista, Florida.
Bago ito ay lumaban pa hanggang sa huling sandali ng elimination ang Spurs lalo na nagtala pa sila ng panalo laban sa Memphis Grizzlies at Phoenix Suns.
Nagtapos ang Spurs sa 2019-2020 season sa record na 32-39 o nasa pang-11 pwesto sa Western Conference.
Para naman sa legendary Spurs coach Gregg Popovich naindihan umano niya ang pagkadismaya ng mga fans sa kanilang team pero para sa kanya mag-move on na lamang siya.
“What’s important is the moment you do what you’ve got to do then you move on, but looking at the past doesn’t do much good,” ani Popovich. “Any success we’ve had has been because we’ve had some great players.”